𝗔𝗨𝗧𝗢𝗠𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗛𝗘𝗠𝗔𝗧𝗢𝗟𝗢𝗚𝗬 𝗔𝗡𝗔𝗟𝗬𝗭𝗘𝗥𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Karagdagang kagamitang pangkalusugan ang itinurn over ng Department of Health Ilocos Region sa mga health facilities dito bilang pagpapataas sa  pang medikal.

Nasa labing dalawang bagong fully automated hematology analyzers ang tinanggap ng iba’t-ibang health facilities sa rehiyon.

Ang mga bagong kagamitan ay makatutulong sa tamang bilang at pagtukoy sa blood specimens sa mabilis na pamamaraan.


Makakatulong din ito sa agarang pagtukoy sa mga posibleng pagtukoy sa mga taong may anemia, infection, at hemophilia.

Layon ng DOH Ilocos Region na mapagtibay pa ang mga laboratory services sa mga public health facilities sa rehiyon kasama na rito ang mga rural health units, district hospitals, infirmaries, at ang kanilang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) centers.

Sa ngayon, nakapagpamahagi na ang kagawaran sa buong rehiyong ng kabuuang dalawamput walong (28) na mga bagong fully automated hematology analyzers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments