𝗔𝗪𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗟𝗜𝗩𝗘-𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞

Arestado ang 19 anyos na suspek mula Brgy. Casaratan, San Nicolas na si Mark John Persola matapos nitong saksakin ang biktima at kapatid na si Jomar Persola dahil sa away ng maglive-in partner.

Sa imbestigasyon, nagtatalo umano ang biktima at live-in partner nito na si May Ann Lacaneria nang subukan silang awatin ng nakababatang kapatid at suspek sa insidente. Dahil dito ay binaling ng biktima ang galit at inatake ang kapatid. Dito ay nilabas ng suspek ang patalim at agad sinaksak ng dalawang beses ang biktima sa tiyan.

Itinakbo sa Eastern Pangasinan District Hospital ang biktima bago ilipat sa mas malaking pagamutan. Naarestong suspek ngunit hindi na narekober ang patalim na ginamit sa krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments