𝗔𝗪𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢, 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos nitong saksakin ang kanyang katrabaho sa Brgy. Plaridel, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Fred”, nasa hustong gulang, at naninirahan sa nasabing lungsod.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nag-iinuman ang suspek at biktima at matapos ito ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at isa niyang kasamahan hinggil sa kanilang trabaho na nauwi sa suntukan.


Biglang lumapit ang suspek at sinasaksak ang biktima sa kanyang tiyan sa hindi malamang dahilan.

Agad na tumakbo papaalis sa lugar ang biktima upang humingi ng tulong at agad naman itong dinala sa pagamutan.

Samantala, nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Frustrated Homicide at kasalukuyang nakapiit sa Santiago City Police Office Station 2.

Facebook Comments