Thursday, January 22, 2026

𝗔𝗪𝗢𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗔𝗥𝗖𝗛 𝗪𝗔𝗥𝗥𝗔𝗡𝗧 𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang singkwenta y kwatro anyos na dating miyembro ng PNP at nag AWOL at kanilang din sa high value target sa usapin ng illegal drugs matapos magpositibo ang ikinasang search warrant implementation sa tahanan nito sa Urdaneta City.

Ikinasa ang implementations sa tahanan ng nasabing suspek sa Brgy. Bayaoas Pasado alas kwatro nang madaling araw.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska sa suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng sampung gramo at nagkakahalaga ng ₱68k, isang improvised shotgun at isang bala nito kasama pa ang ilang illegal drugs paraphernalia.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang suspek at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments