𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Ipinalala ng awtoridad ang kaligtasan ng publiko sa paparating na Undas.

Ayon sa pulisya, Mahalaga na planuhin ang pagbisita sa November 1 upang maging maayos ang pagpunta sa sementeryo.

Ayon pa sa awtoridad, pinayuhan din nito na maiging huwag nang magdala ng bata, gayundin ay huwag nang sumabay sa pakikipag siksikan ang mga buntis at may mga karamdaman.

Mainam din ang pagdadala ng payong, panangga sa init o ulan gayundin ang payong at pamaypay. Siguraduhin din na maayos ang pangangatawan at magbaon din ng tubig at pagkain.

Ayon naman sa PDRMMO, tiyaking nakasara ang pinto ng bahay kung ang lahat ay magpupunta sa sementeryo. Dagdag pa ng ahensya na siguraduhing nakasara ang mga kalan at gasul at walang nakasaksak na anumang electrical appliances.

Sa paggunita at pag-alala ng mga yumao, huwag umanong magpakampante dahil mayroong kasabihan na mas nakakatakot ang kayang gawin ng buhay kaysa sa mga patay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments