Nag-umpisa na ang pagmomonitor ng ilang kawani ng Bureau of Fire Protection o BFP sa bayan ng Mangaldan sa mga nagbebenta ng paputok.
Ayon sa BFP Mangaldan, hindi na raw maiwasan na may magbenta umano ng patago ng mga paputok ngayong nalalapit na ang holiday season. Anila, kadalasan sa mga patagong nagebebenta ay dito makakabili ng mga ipinagbabawal na paputok.
Sa ngayon, wala pang nahuling nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok.
Nagsimula na ring mag-apply ang ilan ng kanilang permit upang makapagbenta ng legal.
Patuloy naman ang paalala ng awtoridad na mas maiging umiwas sa paputok upang hindi mapinsala pa ang sinuman ngayong malapit na ang pagpasok ng Bagong Taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments