𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗛𝗔𝗧𝗔𝗪𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗛𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗗

Patay ang isang 65 anyos na babae matapos hatawin ng kahoy ng kaniyang sariling kapatid sa Brgy. Lipit Sur, Manaoag, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dumaan lang umano sa tapat ng bahay ng suspek ang biktima nang bigla itong pukpukin ng kahoy sa ulo.

Nagtamo ng matinding sugat sa uko ang biktima na agad namang Itinakbo sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Naaresto ang suspek at nakumpiska ang ginamit na kahoy. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad maging ang motibo sa krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments