𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗣 𝟭𝟮𝟮𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Sa bisa ng search warrant, nahulihan ng live ammunitions para sa caliber 45 na baril at P122, 400 halaga ng hinihinalang shabu ang isang babae sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Bayambang.

Tinukoy ang suspek bilang 42 anyos na residente ng Brgy. Inirangan sa nabanggit na bayan. Nakumpiska rito ang malaking transparent plastic at apat pang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 18 grams.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek na haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments