𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗡𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗗𝗜𝗦𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗥𝗘𝗘𝗞

Nasagip ang isang babae sa bayan ng Sta. Barbara matapos itong mahulog sa creek. Ayon sa pulisya, isang concerned citizen umano ang sumagip sa babae.

Una rito, nakita niyang naglalakad ang babae habang umiiyak nang bigla na lamang matumba dahilan kung bakit ito nahulog sa creek.

Nagtamo ng sugat sa ulo ang babae na kasalukuyang nagpapagaling sa hospital at dumaranas umano ng mental disorder.

Nagpapatuloy ang hakbang ng kapulisan sa pagkakakilanlan ng babae. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments