𝗕𝗔𝗖𝗔𝗬𝗔𝗢 𝗦𝗨𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

Halos buong barangay na ng Bacayao Sur ang Nalubog sa baha ayon sa lokal na pamahalaan. Sinabi ng lokal na Pamahalaan na 90% ng barangay ang lubog sa baha.

Ito pa rin ay dahil sa tubig na patuloy na dumadaloy mula sa upstream na sinabayan pa ng hightide 3.02 ft o 0.92 meters na pagtaas nito.

Matatandaan na nauna nang inihayag ng City Disaster Risk Reduction Management Council Head Ronaldo De Guzman na aasahan pa ang pagtaas ng tubig sa lungsod dahil pababa pa lamang ang tubig mula sa upstreams na sasaluhin naman ng lungsod dahil ito ay catch basin bago mag-exit sa Lingayen Gulf.

Nananatili rin ang pagbaha sa ilang mga kakalsadahan tulad sa Downtown Area, Gomez St., at Zamora St.

Samantala, namahagi ang lokal na pamahalaan sa apektadong barangay ng relief supplies, Doxycycline capsules laban sa leptospirosis at mga bitamina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments