π—•π—”π—–π—žπ—Ÿπ—’π—šπ—¦ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜π—₯’𝗦 π—Ÿπ—œπ—–π—˜π—‘π—¦π—˜π—¦, π—¨π—‘π—§π—œ-π—¨π—‘π—§π—œ π—‘π—”π—‘π—š 𝗑𝗔π—₯π—˜π—₯π—˜π—¦π—’π—Ÿπ—•π—”

Matapos ang higit isang taon na hindi nakapag-release ng physical driver’s license ang Land Transportation Office dahil sa legal battle nito sa AllCard Inc, unti-unti ng nareresolba nito ang kanilang backlogs.

Sa katunayan, ayon kay LTO San Carlos City District OIC Aileen Peteros muli silang nakapag-release ng mga cards sa kanilang clients nito lamang Mayo noong na-lift na ang TRO na isinampa ng AllCard Inc laban sa ahensiya.

Ang mga dumadagsa umano na mga tao sa kanilang tanggapan ay ang mga naapektuhan sa nasabing TRO. Humingi naman ng pang-unawa ang pamunuan ng LTO sa mga mamamayan na kumukuha ng kanilang lisensiya na wag mainip at intindihin ang kanilang sitwasyon.

Pagtitiyak naman ng LTO na maibibigay ang mga lisensya basta sasapat ang supply ng cards na available sa kanilang opisina. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments