Dahil sa mababang suplay ng PVC Cards sa LTO Dagupan Office nararanasan ang backlog sa paggawa at distribusyon ng mga driver’s license.
Sa datos ng LTO, mayroong 10, 600 na mga backlog sa produksyon at pamamahagi ng mga lisensya sa mga taong kumukuha nito.
Kabilang sa backlog na ito ang mga bagong aplikasyon, renewal ng kanilang mga lisensya at student license.
Ayon kay LTO Dagupan chief Romel Dawaton na itinigil nila pansamantala ang pag-imprenta sa mga ito dahil mayroon na lamang 2, 000 na PVC ang natitirang stocks sa kanilang opisina kung saan binigyang diin ng opisyal na ang natitirang dalawang libong PVC ay ilalaan para sa mga nauna o nabinbing mga backlogs.
Gayunpaman aniya, ginagawan nila ng paraan gaya ng pag-imprenta sa coupon bond na magsisilbing temporary drivers’ license.
Kung nasira anila, maaaring humingi ng reprint ang mga motorista sa pinakamalapit na LTO District Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨