Patay ang isang bente sais na misis na lulan ng motorsiklo matapos makabangga ng tumatawid na aso ang kaniyang asawa s bayan ng Calasiao.
Ayon sa pulisya, binabaybay ng mag-asawa ang Brgy. San Miguel sa Calasiao pasado alas singko ng madaling araw nang sumalpok ang mga ito sa tumawid na aso.
Agad na dinala sa pagamutan ang mag-asawa, ngunit kalauna’y nasawi ang babaeng biktima.
Nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanyang mister.
Nagpaalala naman ang pulisya sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na madilim na bahagi ng kalsada.
Matatandaan na ipinatupad sa bayan ang ‘Aso mo, itali mo’ n ordinansa upang maiwasan ang anumang katulad na insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments