
βCauayan City – Mas pinaigting ng pamahalaang lokal ng Ramon, Isabela ang kakayahan nito sa pagtugon sa sunog at iba pang emergency sa pagbubukas ng bagong fire station at pagdating ng 1,000-gallon fire truck mula sa Bureau of Fire Protection bilang bahagi ng pagpapalakas ng disaster preparedness ng bayan.
β
βPinangunahan ni Victoria A. Domingo, Regional Director ng BFP Regional Office 02, ang seremonya. kung saan binigyang-diin niya ang makabagong pasilidad at karagdagang fire apparatus ay makatutulong upang mapabilis ang responde at mapahusay ang kalidad ng serbisyong ibinibigay sa publiko.
β
βNagpasalamat naman si Giovanni M. Vizcarra sa patuloy na suporta ng BFP sa kanilang bayan.
β
βAyon sa kanya, ang bagong estasyon at fire truck ay mahalaga sa pagpapaigting ng fire prevention efforts at sa pagprotekta sa buhay at ari-arian ng mga residente.
β
βAng proyekto ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni Dean Mark S. Ilumin, bilang bahagi ng modernisasyon ng mga pasilidad ng BFP sa rehiyon.
β
βUmaasa ang mga opisyal na magdudulot ito ng pangmatagalang benepisyo hindi lamang sa Ramon kundi maging sa mga karatig na komunidad.
β
βSource: PIA ISABELA
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan
β










