𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗔𝗟, 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔

Tatlong barangay mula sa bayan ng Sual at Alaminos City ang makikinabang sa itinayong intrusion dam ng National Irrigation Administration Region 1 sa Brgy. Camagsingalan, Sual Pangasinan.

Isinagawa ang turn-over ceremony ng rehabilitasyon ng dam sa mga kasapi ng Camagsese Irrigators Association Inc. mula sa bayan ng Sual.

Ayon kay Camagsese Irrigators President Romualdo Ramiscal Sr., malaking tulong ang nasabing istruktura sa kanilang lugar sa pagpapanatili ng kalidad ng kanilang pananim at mapataas rin ang produksyon ng kanilang ani.

Ang mga magsasaka mula sa Barangay Camagsingalan at Seselangen, Sual at Brgy.Macarow, Alaminos City ang pangunahing benepisyaryo ng naturang istruktura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments