Nasa halos tatlong libo ang bagong mga kwalipikadong benepisyaryo ng ibaβt-ibang programang hatid ang tulong pinansyal sa Dagupan City.
Nauna nang nakatanggap ang nasa isang daang dalawampuβt-isa (121) benepisyaryo ng financial assistance ngayong araw.
Naganap din ang profiling ng nasa anim na raan (600) na DSWD beneficiaries sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Nasa higit dalawang libo (2, 000) naman ang napabilang sa mga tumanggap ng cash assistance sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng ahensyang DSWD.
Kasunod ang mga nasabing pamamahagi sa umiiral na social services ng Dagupan City maging ang pagiging kaisa ng lokal na pamahalaan sa UN Sustainable Development Goals.
Layon nitong matulungan ang mga DagupeΓ±os partikular ang mga higit nangangailangan sa kanilang gastusin lalo na at nararanasan sa ngayon ang pagtaas sa presyo ng pangunahing mga bilihin. |πππ’π£ππ¬π¨