Asahan hanggang sa mga susunod na araw ang bahagyang pagbaba sa presyuhan sa kada kilo ng bigas bunsod ng pagpasok ng bagong mga suplay nito sa merkado.
Sa Dagupan City, nararanasan ang bahagyang pagbaba sa kada kilo ng bigas kung saan nasa ₱48 hanggang ₱53 ang pinakamababang presyo nito.
Patuloy naman ang pag-aani ng mga magsasaka ng palay at sa kasalukuyan, naglalaro sa ₱31 kada kilo ang farm gate price nito.
Samantala, magiging bahagya lamang ang paggalaw sa presyuhan ng bigas dahil sa banta ng El Niño na nakakaapekto sa produksyon ng nasabing produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments