𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗖𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗥𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Mas mataas na heat indices ang naitala nitong noong mga nakaraang araw sa Dagupan City at buong lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa PAGASA Dagupan, umabot sa 40 degrees Celsius ang naitalang heat index noong March 17, habang nasa 41 degrees Celsius naman ang naitala kahapon March 18. Parehong nasa ilalim ang EXTREME CAUTION Category.

Kumpara noong mga nagdaang araw, naglalaro lamang sa 37 hanggang 39 degrees Celsius ang heat index.

Binabantayan ngayon ng health authorities ang ilang mga sakit na maaaring naglipana o magiging talamak sa panahon ngayong nararanasang ang maalinsangang panahon tulad ng diarrhea, measles at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments