Pinaghahandaan at pinagpaplanuhan na ang nalalapit na konstruksyon ng magiging bagong palengke sa Manaoag kung saan mapapabilang sa pagsasaayos ang Meat & Fish Section, Dry Section Fruits, Vegetables, Rice Section, Food Stalls, School Supplies Vendors at iba pa.
Ipinatawag naman ang mga nagtitinda sa palengke nang sa gayon ay mapag-usapan at malaman rin ang mga suhestiyon ng mga ito sa pagbabago ng kanilang pagbebentahang lugar.
Ayon sa alkalde ng bayan, hindi lang pasilidad at gusali ang aayusin ngunit pati na rin umano ang mga maling sistema ng pamamalakad sa loob ng palengke na dapat lamang na ituwid na siya namang sinang-ayunan ng mayorya.
Makapanghikayat pa umano ng libo-libong bisita at turista ang pagsasaayos ng palengke lalo at dito sila madalas dumadayo para makapamili ng mga pasalubong at iba pang produkto ng bayan.
Kaugnay sa pagsasaayos ng palengke, inilatag isa-isa ang mga plano sa mga market vendors at sa mga miyembro ng Municipal Development Council kasama ang lahat ng punong barangay sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨