𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗜𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗟𝗔𝗡𝗗𝗙𝗜𝗟𝗟 𝗖𝗘𝗟𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗨𝗔𝗡𝗚, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Ang landfill cell ay kahalintulad ng compartment sa isang landfill site kung saan tatabunan ng lupa na nasa labing lima hanggang tatlumpung sentimetro ang toneladang waste materials na ibabagsak dito.

Ayon sa La Union Provincial Government Environment and Natural Resources, kinakailangan ng dalawa o higit pang landfill cell para sa waste materials na aabot sa 200 tonelada kada araw.

Layunin ng naturang landfill cell na maiwasan ang pagkawala ng pollutants mula sa mga basura na maaring makaapekto sa publiko kapag humalo sa hangin, tubig o lupa. Inaasahan sa pagbubukas nito na makakamit ng bayan ang pagiging Green City sa taong 2030. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments