Sumailalim sa pagsasanay ang Barangay Health Workers (BHWs) ng Manaoag bilang pagpapataas ng kanilang kaalaman sa pagbibigay ng serbisyong medikal.
Pinangunahan ng Provincial Health Office ang isang araw na pagsasanay kung saan sumailalim ang nasa 96 na bagong talagang BHWs sa bayan.
Ang naturang pagsasanay ay makakatulong sa mga BHWs na matugunan ang mga karaniwang isyu sa kalusugan sa kanilang mga barangay.
Binigyang kaalaman ang mga ito ukol sa mga programa ukol sa mga sakit na dengue, tuberculosis (TB) at rabies.
Ibinahagi rin sa mga ito ang pagtuturo ng family planning, maternal health care, bakuna para sa mga sanggol at mga bata, programang pangnutrisyon at iba pa.
Hinikayat naman ang mga BHWs na patuloy na makibahagi sa mga pagsasanay upang malinang ang kanilang kakayahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨