𝗕𝗔𝗚𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗢 𝗡𝗔𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗟𝗘𝗧𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗙𝗔𝗡𝗧𝗔

Umabot ng 25 bags ng dugo ang nakolekta sa isinagawang bloodletting activity kamakailan sa bayan ng Infanta katuwang ang Philippine Red Cross Western Pangasinan, Rural Health Unit at lokal na pamahalaan.

Tumutumbas ng 10,000cc, ang naturang blood bags ay hindi lamang umano mapapakinabangan ng mga lokal sa bayan kundi pati na rin ng ibang lugar.

Isinagawa rin ang libreng blood typing test sa mga nagbahagi ng dugo.

Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ang publiko sa kooperasyon sa mga ganitong aktibidad na nakakatulong sa ibang tao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments