Nangangamba ang ilang residente sa Brgy. Bantugan, Pozzorubio, Pangasinan matapos masira bahagi ng Bantugan-Malasin Bridge.
Ang naturang tulay ay gawa sa metal plates na kapansin-pansin na may kalumaan na kung kaya’t ang bahagi nito ay nakaangat na.
Libo-libong residente ang maaring maperwisyo kung hindi agad maisasaayos ang nasirang bahagi ng tulay.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nakatakdang simulant Sana ang pagsasaayos ng tulay kahapon ngunit inalmahan ng mga residente dahil ito ay apektado ang mga mag-aaral.
Dahil dito, inilipat ang iskedyul ng pagsasaayos bukas hanggang sa araw ng linggo.
Sa tuluyang pagsasaayos ng tulay, daing ng ilan sa mga residente ang kawalan umano nang maayos na abiso ukol sa alternate route upang maiwasan ang pag-ikot pa sa ibang bayan tulad ng Manaoag makarating lamang sa Pozorrubio.
Bukod dito, suhestyon ng mga residente ang pagbabalik ng vertical clearance upang maiwasan ang pagdaan ng mga naglalakihang trak na sobra sa kapasidad ng tulay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨