𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗜𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟭𝟮; 𝟯𝟯𝗞 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Isang grade 12 student ang nanloob sa Isang bahay sa Brgy. Villanueva, Bautista, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok umano ng suspek ang bahay ni Gael Ballesteros alas onse nang umaga.

Nadatnan na lamang nitong bukas ang pinto ng kaniyang bahay kung saan tinangay ang apat na piraso ng mamahaling relo at tig-isang set silver na hikaw at singsing na nagkakahalaga ng kabuuang P33, 000.

Nahuli ang suspek matapos isagawa ang hot pursuit. Narekober ang dalawa sa tinangay nitong relo. Bigo naman marekober ang ilan pa sa ninakaw ng suspek. Desidido ang biktima na magsampa ng kaukulang kaso laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments