𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬, 𝗡𝗜𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔; 𝟯𝟱,𝟬𝟬𝟬 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Nadiskubre ng mag-asawa sa Brgy. Maticmatic sa Sta. Barbara, Pangasinan na wala na sa kanilang cabinet ang 35,000 pesos matapos looban ang kanilang tahanan ng isang 20 anyos na lalaki.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, galing sa isang lamay ang mag-asawa nang pasukin ng suspek ang kanilang bahay.

Nakita umano ng mga kapitbahay ng biktima ang paglabas ng suspek sa bahay ng mag-asawa bitbit ang isang brown paper bag na naglalaman ng ninakaw na pera. Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, nahulog pa ng suspek ang paper bag at binalikan sa pagmamadali nitong pagtakas.

Agad na naireport sa pulisya ang pagnanakaw kung saan agad naaresto ang suspek habang ito ay naglalakad sa kahabaan ng Brgy. Tebag sa bayan.

Nakuha sa suspek ang pitaka ng biktima na naglalaman na lamang ng higit 5,000. Nahaharap sa kaukulang kaso ang lalaki. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments