𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗜𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡; 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Nilooban ng tatlong katao ang isang bahay sa Brgy. David Mangaldan noong Sabado.

Ang panloloob ng mga suspek nakita mismo ng may-ari ng bahay.

Ayon sa pulisya, nahuli ng mag-live-in partner na si Angela Paigani at Raf Raf Abrigo ang pagnanakaw ng tatlong suspek sa kanilang tirahan.

Tinangkang tangayin ng mga ito ang dalawang cellphone na nagkakahalaga ng P49, 000.

Matapos makita ni Paigani ang isa sa mga suspek agad nitong ginising ang kaniyang live-in partner at nanlaban sa mga suspek.

Dahil dito, nahuli ang isa sa mga suspek habang patuloy na tinutugis ng kapulisan ang dalawa pa.

Nakatakdang sampahan ng kasong pagnanakaw ang nahuling suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments