
Cauayan City – Kuha sa CCTV ang isang lalaki habang pinapasok ang isang bahay at ninakaw ang isang vault na naglalaman ng tinatayang P1-M halaga ng alahas at iba pang mahahalagang gamit sa Barangay Gosi Norte, Tuguegarao City.
Ayon kay Joieanne Marie Macarubbo, biktima, ibinahagi niya sa social media ang CCTV footage mula sa kanyang bahay na nagpapakita ng pagnanakaw.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang ala-1 ng madaling araw ng Pebrero 11 sa isang bahay sa Bangayan Street, Gosi Norte.
Kwento ni Macarubbo, narinig niya ang malalakas na tahol ng mga aso sa paligid at kakaibang ingay mula sa loob ng bahay. Nang silipin niya, nakita niya ang lalaki na may suot na pulang tela sa mukha na pumasok sa kanyang kwarto sa pamamagitan ng bintana.
Dahil sa takot na may dalang baril ang suspek, nanatiling hindi gumalaw si Macarubbo. Humingi lamang siya ng tulong sa kanyang ama matapos tumakas ang suspek sa bintana.
Sinabi ng pulisya na una munang tinarget ng suspek ang isang bag at laptop ngunit iniwan lamang ang mga ito at kinuha ang vault.
Sa kasalukuyan, nasa pamamalakad na ng mga awtoridad ang nangyaring insidente.
Samantala, nag-alok ang biktima ng P30,000 na reward para sa impormasyon na magdadala sa pagkakahuli ng suspek.
Source: TNF
Photo Courtesy: Ching Macarubbo
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










