𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗟𝗘𝗘𝗚 𝗡𝗔

Aabot hanggang leeg na ang tubig baha sa sa Isang barangay sa lungsod ng Dagupan dulot ng Pag apaw ng lebel ng tubig sa Sinocalan River.

Sa pinakahuling monitoring ng Barangay Council ng Brgy. Malued, naranasan ang abot leeg na baha sa bahagi ng Zone 8 at 9 ng barangay.

Dahil dito, nasa 104 indibidwal o 29 na pamilya naitalang inilikas sa covered court ng Malued Elementary School na pansamantalang evacuation area ng barangay.

Patuloy ang pag-iikot ng awtoridad sa naturang barangay para sa mga residenteng nangangailang ng tulong ngayong naranasan ang pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments