𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗘𝗡𝗬𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝟯𝟮 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢

CAUAYAN CITY – Patay ang tatlumpu’t-dalawang katao samantalang dalawa naman ang nawawala matapos ang naganap na pagbaha sa bansang Kenya noong ika-23 ng Abril taong kasalukuyan.

Ayon sa Meteorological Department ng Kenya, nagsimula ang pag-ulan noong buwan ng Marso, na tinatawag na “long rains”, ngunit mas lumakas ito noong mga nakaraang linggo.

Base sa ulat, nasa higit 40,000 katao ang nawalan ng tirahan dulot ng nasabing pagbaha.


Puspusan naman ang ginagawang pagresponde ng Kenya government kabilang na ang search and rescue operations at pagbibigay suporta sa mga mamamayang nawalan ng tirahan at ari-arian.

Facebook Comments