𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Aabot sa higit isang daang mag-aaral sa Dagupan City ang nabigyan ng bakuna laban sa iba’t-ibang sakit kasunod ng paglulunsad ng Bakuna Eskwela School Based Immunization Ceremonial Vaccination Campaign ng Department of Health.

Ang mga mag-aaral mula sa West Central Elementary School ang nabigyan ng libreng bakuna kontra Measles-Rubella at Tetano-Diphtheria at HPV Vaccine na eksklusibo naman sa mga babaeng mag-aaral na nasa ikaapat na baitang.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay School Head Teacher II Marilou Taminaya, malaking tulong ang naturang programa sa usaping pangkalusugan lalo na at isa ang eskwelahan sa may pinakamaraming bilang ng mga mag-aaral sa lungsod.

Kasabay nito ang pagsasagawa ng Junior Health Advocate ng LGU Dagupan na may layong tutukan ang kapakanang pangkalusugan ng mga mag-aaral at mabigyan ng kaukulang pagtugon.

Iginiit naman ng Kagawaran ng Kalusugan na ligtas, subok at epektibo ang mga bakunang itinuturok sa mga bata at kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments