𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦, 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗢, 𝗗𝗜𝗣𝗧𝗛𝗘𝗥𝗜𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗥𝗧𝗨𝗦𝗦𝗜𝗦, 𝗟𝗔𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Lalo pang pinaiigting ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang pagsasagawa ng ng Vaccination programs sa bawat barangay sa lungsod lalo na para sa bakuna kontra tigdas, polio, diphtheria, at pertussis.

Nito lamang ay nakapagsagawa ang mga ito ng dalawang araw na pag-iikot para sa mas pinaigting na pagbabakuna kung saan pinangunahan ng City Health Office kasama vaccination team, midwives, Barangay Health Workers, at Civilian Volunteer Officers.

Nasa dalawampung barangay ang kanilang inikot at bingyan ng libreng serbisyong pagpapabakuna mula sa mga batang may edad 0-59 months.

Samantala, nasa higit apat na raan o 427 na mga bata naman ang kanilang nabigyan ng serbisyong pangkalusugan sa loob ng dalawang araw na pag-iikot at pagpapabakuna sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments