Magsisilbing pansamantalang tahanan ang Balay Silangan para sa mga taong nasangkot sa ipinagbabawal na gamot at nais magkaroon ng bagong buhay.
Saklaw nito ang pagkakaroon ng iba’t-ibang programang laan para sa mga small-drug offenders tulad livelihood assistance na makatutulong sa kanila at kanila ring mga pamilya sa panahon ng pamamalagi sa reformation center.
Isa naman sa pangunahing layunin ng kampanya laban sa droga ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng mga barangay councils lalo na sa usapin ng pagkamit ng drug cleared status sa barangay level.
Katuwang ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ni Mayor Fernandez ang Department of Interior and Local Government (DILG) Dagupan, Dagupan City PNP at ilan pang ahensya sa pagsasakatuparan ng nasabing programa.
Samantala, sa lalawigan ng Pangasinan, nasa 32 mula sa 44 na mga municipalities at cities na ang idineklarang drug cleared o pagiging malaya na bayan sa droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨