𝗕𝗔𝗟𝗜𝗡𝗖𝗔𝗚𝗨𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗡𝗜, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟 𝗡𝗔

Dahil sa patuloy na pag-uulan, umabot na sa critical level ang Balincaguing River sa Mabini, Pangasinan ayon sa Mabini Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Dulot ito ng pag-ulan sa malaking bahagi ng lalawigan dahil pa rin sa Hanging Habagat na mas pinalakas ng Bagyong Carina.

Ayon sa Mabini MDRRMO, nasa 7.2 meters ang naitalang water level sa Balincaguing River kahapon, July 23, 2024.

Maituturing nang high or critical level ang lebel ng tubig sa naturang ilog kung kaya’t nagsagawa na ang tanggapan ng monitoring sa mga barangay nang sa gayon ay mabantayan ang maaaring epekto ng mataas na lebel ng tubig sa ilog.

Samantala, patuloy ang monitoring ng PDRRMO sa iba pang river system sa lalawigan gaya ng Cayanga sa San Fabian, Marusay sa Calasiao, Sinocalan sa Sta barbara at Bañaga river sa Bugallon.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments