𝗕𝗔𝗟𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘 𝗭𝗢𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥, 𝗜𝗡𝗜𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗔𝗕𝗨𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗛𝗜𝗧𝗘 𝗟𝗜𝗢𝗡

Iniimbestigahan na ng pamunuan ng Baluarte Zoo sa Ilocos Sur ang hinggil sa umanoy pang-aabuso sa kanilang white lion na si ‘King’.

Ito’y matapos na umani ng samu’t-saring reaksyon ang video at pictures ng naturang wild animal sa social media dahil sa maling pagtrato umano ng isang caretaker dito.

Paglilinaw ng pamunuan ng zoo na hindi nila kinukunsinti ang pang-aabuso sa mga hayop at nangakong pananagutin ang mga responsable sa naturang insidente.

Tiniyak nito na hindi na mauulit ang naturang pang aabuso kahit pa sa ibang hayop na nasa kanilang pangangalaga.

Binigyang diin nito na nagsasagawa na sila ng ilang pagbabago upang masiguro ang proteksyon at pangangalaga ng mga hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments