𝗕𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗧𝗜 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝟰𝗧𝗛 𝗘𝗫𝗘𝗖𝗨𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚

CAUAYAN CITY – Isinagawa kahapon, ika-3 ng Enero taong kasalukuyan ang 4th Executive Committee Meeting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Ang nasabing pagpupulong ay bilang paghahanda ng lalawigan sa pagdiriwang ng Bambanti Festival na gaganapin sa ika-19 hanggang ika-25 ng Enero taong kasalukuyan.

Pinangunahan ni Vice Governor at Bambanti Festival 2025 Director General Faustino “Bojie” G. Dy III ang pagpupulong kung saan ay tinalakay ang mga aktibidad nakatakdang isagawa sa buong linggong selebrasyon, pati na rin ang mga plano ukol sa pinansyal na aspeto at seguridad para sa mga kalahok at mga bisita.


Kabilang sa mga aktibidad na tampok sa festival ay ang Queen Isabela 2025, kung saan bawat isa ay magpapamalas ng kanilang adbokasiya, talento, ganda, at katalinuhan upang makamtan ang titulo.

Ang Bambanti Festival ay taunang selebrasyon na isinasagawa sa lalawigan na naglalayong ipagdiwang ang makulay na kultura at tradisyon ng mga Isabeleño.

Facebook Comments