𝗕𝗔𝗠𝗕𝗢𝗢 𝗖𝗢𝗣𝗦, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Handa na ang hanay ng kapulisan ng Cauayan para sa gagawing pagbabantay sa magaganap na Concert sa lungsod sa darating na ika-24 ng Agosto.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay PLTCOL Ernesto Nebalasca Jr., hepe ng Cauayan City Police Station, palaging handa ang kanilang hanay sa mga panahong mayroong malalaking okasyon na nagaganap sa lungsod ng Cauayan.

Aniya, ang concert na ito ay isasagawa bilang parte ng pagdiriwang ng kaarawan hindi lamang ng alkalde ng Lungsod ng Cauayan na si Hon. Mayor Jaycee Dy kundi pati na rin si Isabela Vice Governor Bojie Dy.


Sinabi ni PLTCOL Nebalasca, kagaya ng nakagawian ay magkakaroon ng koordinasyon sa pagitan ng kanilang hanay at sa iba pang ahensya katulad ng BFP, POSD, CDRRMO, Force Multipliers, at Volunteer Groups sa lungsod upang mas mapalakas ang gagawing pagbabantay sa lugar na paggaganapan ng nabanggit na concert.

Facebook Comments