𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗟𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗡𝗢 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥

Palutang-lutang ang isang bangkay na nakasilid sa isang sako nang matagpuan sa Agno river sa bahagi ng Brgy. Lasip Lingayen, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, nakita umano ng grupo ng mga magsasaka ang bangkay.

Agad itong itinawag sa punong barangay ng lugar upang ipagbigay alam ang naturang insidente.

Nakilala ang bangkay bilang si Michael Batallones Baysic, 41 anyos, residente ng Brgy. Malibong, Urbiztondo, Pangasinan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at pakikipag ugnayan sa pamilya ng biktima.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments