CAUAYAN CITY- Natagpuan na ang katawan ng binatilyong nalunod kamakailan sa Amlosong- Hydro Area sa bayan ng Bontoc, probinsya ng Mountain Province.
Kinilala ang biktima na si Juneil Crey Liwaliw Bagwan, 14-anyos, at residente ng nasabing bayan.
Matatandaang nalunod ang biktima noong ika-31 ng Oktubre sa Dawdawan, Supang, Sabangan, Mountain Province kung saan tinangay ito ng rumaragasang tubig habang tumatawid sa nasabing ilog.
Agad namang nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga otoridad upang hanapin ang biktima.
Samantala, ang impormasyon na ito ay kinumpirma ng Bontoc Municipal Police Station at Chakchakan Community Volunteers.
Facebook Comments