𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Natagpuang palutang lutang sa ilog ang bangkay ng isang lola sa Brgy. Bantayan, Mangaldan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Paz De Guzman, 85 anyos. Ayon sa pamilya ng biktima, lumabas ito ng bahay nang hindi nagpapaalam.

Madalas na umanong makalimot ang kanilang ina dahil na rin sa kaniyang edad at Idinadaing ang madalas na pananakit ng ulo.

Isang kapitbahay nito ang naka kita sa katawan ng biktima habang nanghuhuli ng isda sa ilog. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments