Natagpuang patay ang isang magsasaka sa irigasyon sa Barangay Lipit-Tomeeng, San Fabian.
Ayon sa pulisya, Isang rider ang nakapansin sa Palutang lutang na katawan ng 63 anyos na biktima sa irrigation canal.
Ayon sa asawa ng biktima, ilang araw ng nakararanas ng pagkahilo ang kanyang asawa ngunit tumangging magpakonsulta sa doctor.
Lumabas sa post mortem examination na isinagawa ng doktor na walang nakitang foul play at pagkalunod ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments