𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗢𝗟, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Natagpuan ang isang plastic bag na naglalaman ng inabandonang sanggol at wala nang buhay sa isang eskenita sa pagitan lamang ng BFP Lingayen at Lingayen District Hospital sa bayan ng Lingayen.

Tinatayang premature o nasa pagitan ng 7-8 buwan ang naturang sanggol kung saan ay pinangalanang baby “Joseph the Saint”.

Kasunod nito, agad ipinag-utos ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na dalhin na sa sementeryo upang mabigyan ng maayos na libing ang bata dahil sa umaamoy na rin ang mga labi ng naturang sanggol.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa utos na rin ng alkalde upang bigyang linaw ang nangyari at mapanatili ang salarin na nag-iwan ng isang supot na naglalaman ng katawan ng kaawa-awang sanggol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments