
Cauayan City – Natukoy at nakumpirmang na ang pagkakakilanlan ng lalaking natagpuang wala ng buhay sa ilog sa Purok 6, Brgy. Labinab, Cauayan City, Isabela noong ika-31 ng Disyembre.
Ayon sa ulat ng Cauayan City Police Station, ang biktima ay kinilalang si Cyrus Natividad, 58-anyos, laborer, at residente ng nabanggit na barangay.
Matatandaang natagpuan ang katawan ng biktima na nakadapa sa mababaw na bahagi ng ilog ng isang concerned citizen na nakatira malapit sa lugar. Agad nila itong itinawag sa kinauukulan nang makumpirma na tao nga ang nakitang nasa gitna ng ilog.
Sa panayam ng IFM News Team kay Kapitan Jay Ar Estrada, hindi umano ito ang unang beses na nakapagtala ng ganitong insidente sa kanilang lugar.
Dahil dito nagpaalala siya sa mga residente lalo na sa mga nakatira sa ilog kaugnay sa pag-iingat na dapat gawin upang maiwasan ang muling pagkakatala ng ganitong insidente.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments










