𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Natagpuan sa kanal malapit sa isang coffee shop sa Brgy. Mancup, Calasiao ang bangkay ng isang lalaki.

Ayon sa mga residente, madalas makita ang lalaki na natutulog sa may abandonadong gasolinahan, nanghihingi ng pagkain at palakad-lakad sa lugar.

Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa pagsusuri ng mga awtoridad, walang nakitang posibilidad ng foul play at wala rin ibang sugat ang bangkay bukod sa gasgas sa siko at tuhod nito. Tantiya ng awtoridad ay nasa 45 hanggang 50 anyos ang biktima, may kayumangging balat at nakasuot ng black t-shirt at red shorts.

Kasalukuyang nakaratay ang bangkay nito sa Brgy. San Miguel sa nasabing bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments