𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Palutang-lutang na bangkay ng lalaki ang natagpuan ng awtoridad sa Pantal River, Dagupan City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita ito ng kawani ng Philippine Coast Guard habang nagpapatrolya sa nasabing kailugan.

Tinukoy ng pinsang lalaki ang biktima na isang 38 anyos at residente ng lungsod.

Ayon sa kanya, nakita itong tumalon sa ilog para maligo at nasa impluwensya ng alak. Dinala pa sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments