Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na mag-umpisa na sa paggamit ng digitalization pagdating sa kanilang payment transaction.
Ayon kay Payments Policy ang Development Council Deputy Director, Maria Christina Masangkay sa pamamagitan umano kasi nito ay mas mapapadali ang mga financial consumer na magbayad ng kanilang mga babayarin.
Ilan din umano sa benepisyo na maihahatid ng digitalization bukod sa pagpapadali sa payment transaction ay makakabawas din sa pagkonsumo sa oras ng pagbabayad lalo na sa mga financial consumer na hindi maharap ang pagbabayad sa personal.
Aniya, maging responsible sa paggamit ng digital payment at huwag basta-basta ibabahagi ang mga confidential bank information o online information.
May mga online transaction payments din ang inihayag na nasa ilalim ng BSP at maaaring gamitin ng mga konsumer tulad ng PesoNet, InstaPay, QRph, at BillsPayPh. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨