Inaabangan na ng mga Dagupeño ang nalalapit na selebrasyon ng Bangus Festival lalo at naglabas na ng Calendar of Activities ang LGU.
Isa ito sa inaasahan talaga umano ng mga Dagupeno at ilan pang bibisita mula sa ibang lugar bilang ito ang pinakamalaking piyestang isinasagawa taun-taon sa lungsod.
Ang mga dadalo, sisiguraduhin naman ang kanilang kaligtasan at pag-iingat mula sa mga kawatan na magbabalak ng kung ano pa mang modus tulad ng pang-ssnatch ng gamit at pambubudol.
Hindi rin kasi umano ito maiiwasan lalo kung siksikan na sa kalsadang dadaanan dahil sa aasahang dagsa ng mga taong pupunta para manood.
Samantala, nag-umpisa na ang pagsasagawa ng mga aktibidad na inilatag ng LGU Dagupan sa kanilang Calendar of Activities ngayong Bangus Festival at magpapatuloy ito hanggang ika-uno ng Mayo para makibahagi rin sa Pista’y Dayat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨