Mas tinututukan pa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang Bangus Industry ng lungsod sa pagpapanatili at pagpapalakas pa nito sa industriya.
Alinsunod dito, tinipon ang mga mga bangus growers, fish pond/fish cage owners/operators, at bangus dealers upang talakayin ang mga kaalamang nakapaloob dito.
Sa kasalukuyan, epektibo ang pagpapatupad ng “Exclusive” Dagupan Bangus na may mas layong matulungan pa ang mga mangingisda ng lungsod at mapataas ang kanilang kita.
Nakatakda ring makipagpulong ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Mayor Fernandez sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture Regional Office 1 upang talakayin pa ang ilang mga isyu kaugnay nito.
Samantala, nananatiling matatag ang suplay ng bangus sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨