Nananatiling nasa Red Zone Status o Infected Zone sa banta ng African Swine Fever (ASF) ang nasa dalawampu’t-isang bayan sa buong Region I.
Patuloy na nakaantabay ang pamunuan ng Department of Agriculture Region 1 kaugnay sa naturang sitwasyon, ito ay sa kabila ng wala pang naitalang bagong outbreak ng sakit hanggang sa kasalukuyan.
Paalala rin ng ahensya para sa mga nais bumalik sa pag-aalaga ng baboy na sundin ang mga ibinabang security measures upang hindi mahawa ang mga inaalagaan mula banta ng ASF.
Samantala, sa buong Region I, mayroon limampu’t-tatlong bayan ang nasa ilalim ng pink zoning status o buffer zone, habang limampu’t-isa rin ang sa ilalim ng yellow o surveillance zone kaugnay pa rin sa usapin ng ASF. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments