𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗢𝗟𝗘𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

Muling nagbigay ng paalala ang awtoridad sa banta ng Cholera sa katawan ng tao.

Sa inilabas ng Pangasinan PDRRMO, dapat umanong malaman ng mga Pangasinense kung paano maiiwasan ang cholera.

Dapat na alamin ng mga ito kung saan nagmumula ang mga pinagkukunan ng ginagamit na tubig at mainam kung ito ay pakukuluan bago inumin.

Lutuin rin ng mabuti ang mga pagkain inihahain at takpan ito ng mabuti kung hindi mauubos.

Ugaliin rin na malinis ang buong kapaligiran at tinatapon sa tamang basurahan ang mga kalat.

Dapat rin na ugaliin ang paghuhugas ng kamay at paggamit ng sabon at malinis na tubig.

Samantala, ang cholera ay isang sakit na nagdudulot ng labis na pagdudumi, pagsusuka, at dehydration sa oras na makainum ng kontaminadong tubig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments