Nakataas sa higit limampung lugar sa Ilocos Region ang Banta ng daluyong O Storm Surge Warning bunsod ng lakas na taglay ni Bagyong Kristine.
Sa Pangasinan, mga bayan ng Agno, Anda, Bani, Binmaley, Bolinao, Dasol, Infanta, Labrador, Lingayen, San Fabian, Sual, Alaminos City, at Dagupan City ang kabilang sa may abiso.
Agoo, Aringay, Bacnotan, Bangar, Bauang, Caba, Luna, Rosario, San Juan, Sto. Tomas at San Fernando City sa La Union ang isinailalim sa Storm Surge Warning.
Kasama rin ang ilan mga bayan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Ang storm surge ng bagyo ay hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig na nagdudulot ng malawakang pagbaha ayon sa awtoridad.
Pinapayuhan ang publiko na maagang lumikas lalo na sa mga mababang lugar na malapit sa mga baybayin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨